ANG ‘sangkatlong bahagi ng matabang lupa ng mundo ay naglaho na dahil sa pagdausdos ng lupa o polusyon sa nakalipas na 40 taon, at ang pangangalaga sa mga taniman ay mahalaga para mapakain ang lumalaking populasyon, sinabi ng mga siyentista sa isang pananaliksik na inilathala sa talakayan kontra climate change sa Paris.

Gugugol ng 500 taon upang makalikha ng 2.5 sentimetro (isang pulgada) ng taniman sa ilalim ng normal na kondisyon ng agrikultura, naging madalas ang paglalaho ng lupa habang lumalaki ang pangangailangan sa pagkain, saad sa report ng mga biologist mula sa Sheffield University ng Britain.

Mahalaga ang pagpapanatili sa lupang ideyal sa pagtatanim upang makalikha ng pagkaing sasapat sa mahigit siyam na bilyong katao pagsapit ng 2050, ayon sa mga siyentista.

“Soil is lost rapidly but replaced over millennia, and this represents one of the greatest global threats to agriculture,” saad sa pahayag ni Sheffield University biology Professor Duncan Cameron kaakibat ng report.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Inirekomenda niya sa mga magsasaka na magkaroon ng “conservation agriculture” na ang mga tanim ay mas madalas na inililipat, ang organic matter ay naibabalik sa lupa, at kakaunting enerhiya lang ang nagagamit sa nitrogen fertilizers.

Sa kasalukuyan, napapanatili ng masiglang pagtatanim ang maraming ani sa pamamagitan ng madalas na paggamit ng pataba, na nagmula sa isang prosesong industriyal na kumokonsumo sa limang porsiyento ng produksiyon ng natural gas sa mundo at dalawang porsiyento ng taunang supply ng enerhiya sa daigdig, ayon sa ulat.

Nitong Martes, inilunsad ng mga opisyal sa France ang plano na itaas ang antas ng soil carbon upang maalis ang carbon dioxide sa hangin, at iprinisinta ang plano sa mga pandaigdigang negosasyon sa climate change sa kabisera ng bansa.

Ang planong pinangunahan ng France, at suportado ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations, ay layuning dagdagan ang imbak ng soil carbon ng 0.4 porsiyento taun-taon upang isulong ang matabang lupa habang nilalabanan ang global warming. (Reuters)