Ilang kumpanyang French ang nagpahayag ng interes na magsimula o palawakin ang kanilang operasyon sa mga larangan ng aeronautics, construction, manufacturing, at iba pa, sa Pilipinas.

Nakuha ni Pangulong Aquino ang mga investment prospect na ito nang makipagpulong siya sa matatas na opisyal ng mga kumpanya gaya ng Airbus, Cement Roadstone Holdings (CRH), and Jacobi Carbons Group AB noong Martes, ang huling araw niya sa Paris, France.

Ibinahagi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na ang Airbus, ang world’s leading manufacturer ng commercial jet, ay tinitingnan ang Pilipinas bilang posibleng manufacturing hub para sa mas maraming component ng kanyang mga airliner.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang pinagmumulan ng mga A350 component gaya ng actuator, galley at toilet.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nakipagpulong din ang Pangulo sa mga opisyal ng CRH tungkol sa planong expansion ng cement manufacturing operation gayundin ang sustainability program sa Pilipinas.

Ang CRH ang nangungunang kumpanya sa mundo na nagsu-supply ng mga construction material at iba pang pangangailangan sa mga building contractor at homeowner.

Nakipagpulong din si Aquino sa mga opisyal ng Jacobi, isang Swedish firm na kamakailan ay nag-tayo ng manufacturing facility sa Pilipinas. Ang kumpanya, nagpapakadalubhasa sa activated carbon na mula sa coconut shell, coal at wood, ay nag-aambag din sa kaunlaran sa kanayunan kung saan ito kumukuha ng mga materyales para sa kanilang produksyon.

Ang iba pang business meetings ng Pangulo ay kasama ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at Usine IO.

(Genalyn Kabiling)