Pinayuhan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga overseas Filipino worker (OFW) na huwag “ubus-ubos biyaya” sa pagpapadala ng balikbayan box sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas ngayong Pasko.

“Ang ating mga manggagawang Pilipino ay maraming dala, pinag–ipunan at pinaghirapan nila. Tumanggap rin sila ng referential pay o bonuses. Una sa lahat maging maingat sa paggastos sabi nga nila huwag ubos biyaya. Magtabi, mag–ipon at sa mga naiwan na palaging pahalagahan ang pinapadala ng pamilya,” wika ni Balanga Bishop Ruperto Santos, sa panayam ng Radyo Veritas ng simbahan.

Pinaalalahanan din niya ang mga uuwing OFW na mag-ingat sa laglag/tanim bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ipinabatid ng chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na nakahanda ang kanilang komisyon na tumulong at magbigay ng “legal advices” sa mga OFW. Hinimok niya sa mga nambibiktima sa NAIA na magbago na. (Mary Ann Santiago)