PSL_Cuneta_11_KevinDelaCruz_113015 copy

Hindi na inaasahan ang magiging labanan at pagpapamalas ng mga taktika, lakas at matinding depensiba sa sudden-death Game 3 ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament Sabado sa Cuneta Astrodome.

Isa ang umaasam sa pinaka-unang korona habang isa ang magtatangkang itala ang dinastiya kung kaya tinitiyak na patibayan na lamang ng mga puso ang inaasahang magbibitbit sa tatanghaling kampeon.

Naniniwala si Petron coach George Pascua na umaasa itong ilalabas ng kanyang manlalaro ang “big fighting heart” sa kanilang pagsabak sa nagpapakatibay na Foton sa pinaka-ultimong araw ng paghuhusga sa natatanging inter-club volleyball tournament sa bansa.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ang Blaze Spikers, na asam makumpleto ang bihirang three-peat, ay mabagal nakapagsimula matapos mabigo sa Game 1, bago na lamang nakaganti sa Game 2 upang itabla ang serye at itakda ang pinakaaasam na matira-matibay na huling laro na kinukonsiderang iigting sa aksiyon hanggang sa huling sandal.

“It all boils down to who will have the desire and the fighting heart to win the crown,” sabi ni Pascua, ang beteranong coach na giniyahan ang Petron sa nakaraang korona sa Grand Prix at All-Filipino Conference pati na rin sa paglahok sa AVC Asian Women’s Club Championship sa Vietnam noong Setyembre.

“Game 3 is not just an ordinary game. This is where heroes are born. We have to seize the opportunity and unleash all our weapons we have to make sure that we will emerge as the last team standing. Nadito na kami, ilalabas na namin lahat ng dapat ilabas,” sabi nito.

Ito naman ang pinakaunang pagkakataon sa liga na magsasalpukan sa Game 3.

Matatandaang dinomina ng Blaze Spikers ang kanilang mga laban para maiuwi ang dalawang korona kung saan ang huli ay sa makasaysayang pagwawagi sa pagwawalis nito sa double-round eliminations bago tinalo sa loob lamang ng dalawang laro ang Shopinas.

“This is the most difficult conference for us,” sabi ni Pascua. “That’s why I told the girls to give everything they can to win the crown. Wala ng bukas ito. Kung sino ang mas may puso at mas may desire manalo, sya ang siguradong makakakuha ng titulo.”

Umaasa naman si Foton coach Villet Ponce-de Leon na kakampihan sila ng suwerte at pagkakataon.

“Game 3 is an entirely different story,” sabi nito. “Petron is a very seasoned team. They are the favorites because they have the experience. We have to do everything we can to overcome that disadvantage and essay a fitting ending to our fairy-tale campaign.” (ANGIE OREDO)