ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Type mo ngayon ang mga trabahong pang-secret agent. Energetic ka rin kahit behind the scenes. Siguraduhin mo lang na libre ka sa late afternoon para yakapin ang isang sorpresa.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Maghinay-hinay sa pagsasabi ng opinyon mo, baka may masaktan. Hindi rin tamang magsimula sa kahit na anong bagay. Wala ka kasi sa mood, promise.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Mapapaisip ka kung tama ba ang direksiyon ng buhay mo. At mare-realize mo na maraming mali. Evaluate your options; ‘di nagkakamali ang iyong kutob.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Stable ngayon ang lagi nang emotional na gaya mo. Maraming setbacks today, pero kayang-kaya mong lusutan. Remember, ngayong araw lang.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Mapagninilay-nilay mo ang iyong finances, bigla kasing may susulpot na problema. Ingat sa mga susunod na desisyon, mahalagang ‘di ka magkamali.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Posible ang confrontation n’yo ng iyong partner, at magiging dramatic ito. Magkakapersonalan, at may mag-aakusa pa. Please lang, huwag kang magmumura. Manatiling kalmado.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Mag-ingat sa pakikipag-usap sa mga katrabaho. Ang mga negatibong confrontations ay may masamang epekto sa health mo. Maging loner ka muna today.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Kung may mga anak ka, stressful ang araw na ito para sa kaligtasan nila. Don’t worry, walang major problem.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Naka-focus ka ngayon sa mga usapin sa bahay. Lately kasi ‘di mo na pinapansin ang pamilya mo, puro ka trabaho, at pag-iisip sa pansarili mong growth.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Ipagpaliban muna ang anumang undertakings na tungkol sa trabaho, o pagpirma sa mga document. Unstable ang emotional background mo, baka magpadalus-dalos ka.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Delikado ka sa financial crisis. Magkakaproblema rin sa mga transaksiyon. ‘Di mo rin makakasundo ang mga katrabaho.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Makakapikunan ang makulit na partner, ‘yun ay kung kaya mong pahabain ang usapan. Try mo magpasok ng mga personal subjects para kumalma siya.