BRUSSELS (AFP) — Inilunsad ng European Union noong Huwebes ang isang forum na pinagsama-sama ang mga Internet firm gaya ng Google, Facebook at Twitter at law enforcement agencies para labanan ang online extremism.

Nangyari ang hakbang sa gitna ng tumitinding pagkaalarma ng Europe sa paggamit ng social media bilang isang makapangyarihang recruiting tool, lalo na ng grupong Islamic State.

‘’Terrorists are abusing the Internet to spread their poisonous propaganda: that needs to stop,’’ sabi ni EU Home Affairs Commissioner Dimitris Avramopoulos sa isang pahayag.

‘’The voluntary partnership we launch today with the Internet industry comes at the right time to address this problem. We want swift results,’’ aniya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'