Naniniwala ang pamosong boxing manager na si Frank Espinoza na idedeklarang para sa bakanteng WBO super bantamweight belt ang sagupaan nina top ranked boxers Nonito Donaire ng Pilipinas at Cesar Juarez ng Mexico kaya panonoorin nila ng kanyang boksingerong si Jessie Magdaleno ang sagupaan sa Disyembre 11 sa San Juan, Puerto Rico para hamunin ang mananalo.

Nakabase sa Las Vegas, Nevada si Espinoza ang manedyer ng mga dating kampeong pandaigdig na sina Mexicans Israel Vazquez at Abner Mares, Puerto Rican Daniel Ponce De Leon, at kasalukuyang hawak ang American Mexican na si Magdaleno na may kartadang 22 panalo.

“Espinoza said that they are going to watch the December 11th clash for the WBO super bantamweight title with great interest,” ayon sa ulat ni Ryan Burton ng BoxingScene.com. “Former four-division champion Nonito Donaire will face Cesar Juarez in Puerto Rico for the vacant title in a bout televised by truTV.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Iginiit ni Espinoza na kung sino man ang manalo kina Donaire at Juarez ay obligadong magdepensa ng korona kay Magdaleno.

“Jessie is ranked #3 by WBO at super bantamweight. Donaire and Juarez are ranked #1 and #2 so it would seem likely that Jessie will probably be ranked number #1 after they fight,” diin ni Espinoza. “We want one fight and then face the winner. Either one of them. I don’t want Jessie to get lost in the mix. We want our promoter to make it happen,”

Top Rank Inc., ang promoter nina Donaire at Magdaleno samantalang ang may hawak kay Jaurez ay ang Mexican firm na Zanfer Promotions na may kaugnayan rin sa Top Rank kaya walang magiging problema sa promosyon ng laban.

“2016 will be a breakout year for my guys, Magdaleno and the rest of my guys will have a great year. We have some even younger guys as well who will become more well known,” dagdag ni Espinoza. (Gilbert Espeña)