ZAMBOANGA CITY — Nakubkob ng puwersa ng gobyerno ang kampo ng isang mataas na lider ng Abu Sayyaf noong Huwebes sa lalawigan ng Sulu, inihayag ng isang mataas na opisyal ng militar.

Sinabi ni Brig. Gen. Alan Arrojado, Joint Task Group Sulu commander, na nakubkob ang kampo dakong 8:30 ng umaga nitong Huwebes sa Barangay Darayan, Patikul ilang oras matapos nilang paulanan ng baril ang kampo.

Sinabi ni Arrojado na ang kampong nakubkob ng mga tropa ng 32nd Infantry Battalion ng Army ay nasa ilalim ng grupo ni Abu Sayyaf leader Radulan Sahiron.

Si Sahiron ang pinakamatandang lider ng Abu Sayyaf na nakabase sa lalawigan ng Sulu.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Arrojado na ang kaaabandona pa lamang na kampo ay kayang patirahin ang tinatayang 300 katao.

Sinabi ni Arrojado na ilan sa mga tagasunod ni Sahiron ang nasugatan sa pamamamaril dahil may natagpuang mga bakas ng dugo sa landas ng mga tumakas na patungo sa Barangay Danag, Patikul.

Narekober ng mga tropa ang mga gamit sa pagluluto at mga parte ng isang AK-47 rifle. (PNA)