May 89 na tauhan ng Aviation Security Group ng Philippine National Police (PNP-AvseGroup) ang iniimbestigahan, 20 sa kanila ang nabunyag sa kontrobersiyal na “tanim-bala” scheme.

Sinabi ni PNP AvseGroup Director Francisco Pablo Balagtas na ito ay kaugnay ng discrepancy sa mga ulat at hindi tumugma sa iniulat ng kanyang mga tauhan at ng Office Transportation Security (ORS).

Sinabi ni Balagtas na sa kabila ng hindi humuhupa na exposé tungkol sa tanim-bala, patuloy na inaaresto ng kanyang mga tauhan ang mga pasahero na umano’y may dalang bala sa pagpasok sa mga terminal ng NAIA.

Iniulat ng OTS na nakasabat sila ng 1,212 bala sa mga pasahero sa buong bansa, ngunit 51 lang ang naiulat sa kanyang opisina, dagdag ni Balagtas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Para maiwasan ang pagdadala ng mga pasahero ng mga ipinagbabawal na gamit, naglagay ang PNP-AvseGroup ng mga tarpaulin na nagpapakita ng mga ipinagbabawal na bagay sa labas ng mga terminal ng paliparan upang paalalahanan ang mga pasahero na alisin sa kanilang mga bagahe ang mga bagay na ito bago sila pumasok sa mga terminal upang maiwasan na maging susunod na biktima ng umano’y tanim-bala modus sa mga terminal ng paliparan. (Ariel Fernandez)