SCIENCE CITY OF MUNOZ, Nueva Ecija — Sampung taon ang nakalipas bago nahuli ng mga awtoridad ang tatlong suspek sa pagpatay noong Sabado.

Sa ulat ni P/Supt. Feliciano Zafra, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Director, nakilala ang matagal nang pinaghahanap na No. 1 most wanted person sa Munoz na si Catalino Enriquez y Sagnip alyas “Cata”, 57, ng Barangay Bantug, at mga kasamahang sina Renato Masiglat Quiming, 49, at Isabelo Collado Quiming 53, kapwa residente ng Bgy. Maragol, Science City of Munoz.

Si Enriquez ang itinuturong pumatay kay Renato Lumabao noong Nobyember 5, 2005 habang nag-aani ng palay sa Purok Sapang Bato, Bgy. Maragol kasama ang dalawang nabanggit na isinasangkot sa kasong murder. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?