Halos kalahating araw ding nahirapan sa paghinga ang mga residente dahil sa mabahong usok na kanilang nalanghap mula sa nasunog na warehouse ng goma sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Sa report ng Valenzuela Fire Station, dakong 6:00 ng umaga nang magliyab ang isang pabrika ng goma sa Barangay Mapulang Lupa sa nasabing lungsod.

Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil lalo lang itong nagliliyab habang binobomba ng tubig.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Maiitim at mabaho ang usok na nagmumula sa bodega kaya’t halos maiyak sa baho ang mga residente lalo na ang mga bata.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na ideneklarang fire- out dakong 7:30 ng umaga.

Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng sunog pati na ang halaga ng ari-arian na natupok.

Walang nasaktan sa insidente. (Orly L. Barcala)