Nagbitiw na sa kanyang tungkulin bilang pangulo at chief executive officer ng Philippine Basketball Association (PBA) si dating Commissioner Chito Salud.

Pormal na isinimite ni Atty. Salud ang kanyang resignation letter noon pang nakaraang Martes matapos niyang bumalik galing sa pagbabakasyon kasama ng kanyang pamilya sa New Zealand.

“I have formally and respectfully signified my intention to step down as President/CEO of the PBA effective at the end of December 2015,” nakasaad sa statement na inilahad ni Salud.

“The organizational structure of PBA as we have envisaged is already in place. The handover to the new Commissioner has been smoothly executed. And the Board under Chairman Non’s leadership continues to be as it is — a source of strength, stability and continuity as the PBA charts its way forward.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It is for these reasons that I believe the time is right for me to move on, confident as I am that I have already made my modest contributions to the critical transition into this current PBA season,” dagdag na paliwanag nito.

Nagsilbing commissioner ng liga si Salud noong 2010 hanggang sa nagbitiw siya at ma-appoint bilang kauna-unahang presidente at CEO ng liga noong Agosto habang nag-takeover naman sa kanyang posisyon bilang commissioner si Chito Narvasa.

Ngunit sa gitna ng paliwanag na ito, maugong ang usap-usapan na naging ugat ng tuluyang pagbibitiw ni Salud ay ang “powerplay” na ginagawa ni Narvasa kung saan maging ang trabaho na dapat ay para lamang kay Salud ay sinaklawan na rin nito. (Marivic Awitan)