LOS ANGELES, United States (AFP/Reuters) — Nagpahayag ng hilakbot ang Muslim community ng California sa mass shooting noong Miyerkules na ikinamatay ng 14 na katao at ikinasugat ng 17 iba pa sa San Bernardino, matapos matukoy na isa sa mga suspek ay residenteng Muslim.
Si Syed Rizwan Farook, 28, US citizen na nagtatrabaho sa health department ng bayan, ay pinaniniwalaang napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis ilang oras matapos siyang mamaril sa isang Christmas party sa isang local social services center.
Sinabi ni Hussam Ayloush, executive director ng Los Angeles chapter ng Council on American-Islamic Relations (CAIR), na ang kanilang mga miyembro “unequivocally condemn the horrific act that happened today.”
Ang isa pang suspek ay si Tashfeen Malik, 27, na ayon kay San Bernardino Police Chief Jarrod Burguan ay karelasyon ni Farook, posibleng sila ay kasal o engaged.
Hindi pa malinaw ang kanilang motibo ngunit sinabi ni Burguan na, “We have not ruled out terrorism.”