Binigo ng Philadelphia 76ers ang Los Angeles Lakers, 103-91, para sa pinakauna nitong panalo ngayong taon at pigilan ang masaklap na 28 sunod-sunod na kabiguan sa laban nito sa National Basketball Association (NBA).

Nagsilbing homecoming ang laban para kay Kobe Bryant matapos itong magpahayag ng kanyang pagreretiro kung saan pumasok pa ito sa locker room ng sinilangan na Philadelphia upang batiin ang koponan sa panalo sa pagsabi ng ‘’keep it going, guys.’’

Bagaman hindi naging maganda ang homecoming game, tuluyan na rin nagpaalam si Bryant sa mga taga-Philly, na hindi na bokya ang kartada.

Pinutol ng 76ers ang pinakamahabang losing streak sa pinakamalaking professional sports sa US kung saan hindi ito nakapagwagi sa loob ng 28 laro simula pa nakaraang taon at nagsimula sa taon na 0 for 18.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gayunman, habang nakatuon ang atensiyon kay Bryant na nasa kanyang huling paglalaro sa kanyang career kontra sa kanyang hometown ay inagawan ng Sixers ang palabas sa pagpapalasap ng kabiguan sa Lakers Martes ng gabi.

Katabla pa rin naman ng Sixers para sa worst start sa kasaysayan ng NBA history sa itinala noong 2009-10 ang New Jersey Nets, na nagsimula din na 0-18.

Ang panalo ay una ng Sixers sapul noong Marso 25 sa Denver.

Matagal ding nanatili si Sixers coach Brett Brown sa ilalim ng NBA standings at naitala ang dalawang magkahiwalay na losing streak na mahigit sa 26 na laro sa tatlong season.

Hindi naman alintana ang kabiguan sa harap ng nanood na sellout crowd na 20,510 na nagpunta upang panoorin si Bryant sa kanyang paglalaro sa kanyang hometown.

‘’I’m pleased for the city,’’ sabi ni Brown. ‘’We don’t want this streak continuing.’’

Ilang oras bago ang laban ay nadama ni Bryant ang kalinga ng Philadelphia sa pagpasok nito sa arena.

Nagsigawan kasabay ang palakpakan ng nakatayo na manonood ay kinilala si Bryant tulad ng isang hometown hero, at hindi katulad sa tawag na ‘’Hometown Zero’’ na unang tinagurian ng mga tabloid.

Si Bryant, na tatapusin ang kanyang 20-taong paglalaro matapos ang season, ay sinimulan ang unang leg ng kanyang farewell tour sa kanyang hometown kung saan binigyan ito ng karampatang pagkilala at respeto na normal na inirereserba lamang sa isang Sixers great.

‘’I wasn’t expecting that type of reaction, ovation,’’ sabi nito. ‘’Deeply appreciative beyond belief. It was really, really special.’’