“Tuluy-tuloy lang.”

Ito ang payong kapatid ni Senator Ferdinand Marcos Jr., kay Senator Grace Poe matapos idiskuwalipika ang huli ng Second Division ng Commission on Elections (Comelec) dahil hindi umano nasunod ang 10-year residency requirement na nakasaad sa saligang batas.

“Keep going…keep going. Huwag kang (Poe) panghihinaan ng loob and just know that when you are doing the right thing, you will in the end succeed,“ payo ni Marcos kay Poe. “Mahaba pa ang proseso at antayin natin…we leave it to the best of our legal minds to decide exactly what to do,” dagdag ni Marcos.

Batay sa ruling ng Comelec 2nd Division, kinulang si Poe ng anim na buwan base sa kanyang inihain na certificate of candidacy (CoC) nang siya ay tumakbo bilang senador noong 2013 na nagsasabing anim na taon at anim na buwan pa lamang siyang naninirahan sa bansa noong panahong iyon. Kung susumahin, 9 na taon at anim na buwan pa lamang naninirahan si Poe sa bansa at hindi siya umabot sa 10 years residency requirement.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi naiwasan ni Poe na idawit sa Comelec ruling ang mga kalaban nito sa pulitika bagamat hindi n’ya ito direktang pinangalanan.

Iginiit naman ng kampo ni Poe na inaasahan na nila ang mga ganitong posibiladad na maraming hahadlang at pipigil sa kanyang pagtakbo ngunit sinabing hindi pa tapos ang laban.

“Ang hirap ng pinagdadaanan kong ito, pero taos-puso kong ginagawa ito dahil ang mahihirap nating kababayan ay patuloy pa rin sa kanilang hinaing,” pahayag ni Poe. (LEONEL ABASOLA)