Pinabulaanan kahapon ng Liberal Party ang mga balitang may mga lumipat sa kanilang mga miyembro at mas piniling makiisa sa kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos nitong mag-anunsiyo na siya ay tatakbo sa pagkapangulo sa May 2016 elections.

“Hindi totoo ‘yan. Kami po ay tumatanggap ng liham mula sa kasamahan namin dun sa Mindanao, hindi totoo na naglilipatan,” tanggi ni LP stalwart at Senate President Franklin Drilon.

Sabi ni Drilon, may iilang naka-pangako na kay Duterte pero hindi ito ang lumabas sa balita na maramihan na ang lumipat mula sa hanay ng LP.

“Ngunit iyan po ay hindi totoo, na lahat na lang, yung ganoong klaseng impresyon na may exodus, ay hindi po totoo yan,” tanggi niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinegundahan ito ni House Speaker at LP Vice Chairman Feliciano Belmonte Jr. “In fact, it even triggered congressmen and governors to come and affirm their support for LP presidential bet Mar Roxas,” diin ni Belmonte.

Si Roxas ang standard bearer ng Partido Liberal at personal na pambato ni Pangulong Aquino, na sinabing si Roxas lamang ang tanging may kakayahan na ipagpatuloy ang pag-unlad ng bansa sa ilalim ng “Daan na Matuwid.”

Sabi ni Drilon na isa sa mga kumalat na lumipat ng partido ay si Tagum City Mayor Rey Uy. Itinanggi naman ni Uy ang balitang ito at sinabing nananatili kay Roxas ang kanyang suporta. (Beth Camia)