Ang matinding magkaribal na De La Salle University (DLSU) at Ateneo de Manila University (ADMU) ay maaari nang magmalaki sa ngayon matapos na ang top three picks sa 2015 PBA D-League Draft ay mula sa kanilang koponan.

Si Jason Perkins at Julian Sargent, kapwa produkto ng DLSU-Green Archers ang nasa una at pangalawang puwesto samantalang si Von Pessumal ng Ateneo-Blue Eagles ang nasa ikatlo sa rookie selection process na ginanap noong Martes (Dec. 1) sa PBA café sa Pasig, City.

Si Perkins ang sinasabing magbibigay ng interior muscle para sa Racal/Keramix backcourt kung saan kabilang dito sina Jiovani Jalalon, Paolo Pontejos at Rudy Lingganay.

Samantala, si Sargent naman ang magdadala ng kanyang athleticism sa AMA University habang si Pessumal ay dala ang kanyang sharpshooting ability sa Tanduay Light.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasunod nila sa mga napili sa PBA D-League Draft ay sina Filipino-Americans Taylor Statham (Café France-Centro Escolar University), Avery Schaerer (Wangs) at Mike William (Wangs).

Ang produkto naman ng University of the Philippines (UP) n a si Agustini Amar ay pinili ng JAM Liner-UP sa ikapitong puwesto habang si Richard Escoto ay napili ng mismong kanyang home school Phoenix Petroleum-Far Eastern University (FEU) sa ikawalo.

May kabuuang 53 pangalan ang natawag sa draft na umabot sa halos 12-rounds.

Ang BDO-National University, na nasa ikasiyam, ay piniling huwag munang kumuha ng karagdagang manlalaro sa kanilang hanay at ito ay nag-pass na mula pa sa first round.

Ang iba pang UAAP at NCAA products na makikita sa aksiyon sa D-League ay sina Gab Dagangon ng University of Perpetual Help para sa AMA; Jerick Fabian ng San Sebastian College-Recoletos para sa Café France-CEU; JR Ongteco ng College of St. Benilde at Ivan Villanueva ng Adamson University para sa Mindanao; Alfrancis Tamsi ng FEU para sa Phoenix-FEU; Kent Salado at Zach Nicholls ng Arelleno University para sa Racal/Keramix; Fonso Gotladera ng Ateneo, Joseph Nalos ng Adamson, at CJ Isit ng Mapua Institute of Technology para sa Tanduay; at Francis Munsayac ng Emilio Aguinaldo College para sa Wangs. (AbsCbn Sports)