Ipinatutupad na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong buwan na fishing ban sa tamban sa Zamboanga.
Ayon sa BFAR, ang nasabing ban ay nagsimula nitong Disyembre 1 at tatagal hanggang Marso 1, 2016.
Nagpakalat na rin ng patrol boat ang BFAR upang magmanman sa karagatan ng Zamboanga at hulihin ang mga lalabag sa ban.
Paglilinaw ng BFAR, ipatutupad lang ang kautusan sa mga commercial fishing vessel at hindi sa maliliit na mangingisda.
Ipinatupad ng BFAR ang fishing ban upang matiyak ang sapat na supply ng tamban, na ginagawang sardinas sa Zamboanga.
(Rommel P. Tabbad)