Balak buhayin ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) ang special lane na inilaan nito para sa mga delegado ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa EDSA sa inaasahang pagtindi ng trapik dahil sa nalalapit na Pasko.

Tatawaging Christmas Lane, tatakbo ito mula sa panulukan ng Shaw Boulevard hanggang sa Pasay City at lalabas sa Ayala Avenue sa Makati City, ayon kay Chief Supt. Arnold Gunnacao, HPG director. Sisimulan ito sa susunod na linggo.

“The Christmas Lane will occupy the innermost lane of EDSA and will be separated by an orange plastic barrier which we also used during APEC,” sabi ni Gunnacao.

Ito ay para maiwasan ang paglabas-masok sa lane ng mga motorista, ayon kay Gunnacao, idinagdag na ang Christmas Lane ay para lamang sa mga patungo sa lungsod ng Makati at Pasay.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi niya na haharangin ng mga plastic barrier ang mga bumibiyahe ng maiikling ruta sa EDSA na gamitin ito.

“The Christmas Lane will complement the Mabuhay Lanes which we have continuously clearing,” sabi ni Gunnacao.

Ang Mabuhay Lanes ay mga alternatibong ruta na maaaring daanan ng mga motorista upang makaiwas sa EDSA na inaasahang magiging mabigat ang sitwasyon ng trapiko tuwing nalalapit ang Pasko.

Sinimulan ng pulisya, local government units at mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na linisin ang Mabuhay Lanes noong Nobyembre 1.

Ngunit bumabalik ang mga tindero at sasakyan matapos ang clearing operations, sinabi ni Gunnacao na titiyakin nila na magpapatuloy ang mga operasyon hanggang sa permanenteng maalis ang mga sagabal. (Aaron B. Recuenco)