HONG KONG/MANILA (Reuters) — Nang magpasya ang isang international court nitong huling bahagi ng Oktubre na mayroon itong hurisdiksyon para dinggin ang kasong isinampa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (South China Sea), binalewala ng Beijing ang desisyon at iginiit na wala itong kahihinatnan.

Hindi sumang-ayon dito ang mga opisyal ng Pilipinas gayundin ang ilang foreign diplomat at mga eksperto, sinabi na maaaring masalang ang China sa matinding diplomatic at legal pressure kapag sa huli ay nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration sa Hague pabor sa Manila.

Sinabi ng mga eksperto sa batas na malaki ang tsansang manalo ang Manila, binanggit ang detalyadong pagbasura ng korte sa mga argumento ng China sa pagdinig sa hurisdiksyon. Ang pinal na desisyon ay inaasahan sa kalagitnaan ng 2016.

Ang desisyong ito ay posibeng maging pabigat sa leeg ng China, lalo na sa mga regional meeting, dahil mamarkahan nito ang unang pagkakataon na gumitna ang isang international court sa iringan, magiging mas mahirap para sa Beijing na ito ay balewalain, sinabi ng mga diplomat at eksperto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Halos hindi napansin nang ihain ng Pilipinas ang kaso noong 2013 at itinuturing na sideshow sa tensiyong nasasaksihan sa mismong karagatan, nagsimula nang magpakita ng interes at suporta ang ilang Asian at Western countries sa proseso ng korte.

Sinabi ng isang eksperto na ang desisyong kontra sa China ay inaasahan niyang makikita ang magkakatugmang posisyon mula sa mga Kanluraning bansa na magpi-pressure sa Beijing sa mga bilateral meeting at international forum.

“Other countries will use it as a stick to beat Beijing with. That’s why China is so freaked by this whole issue,” sabi ni Ian Storey, South China Sea expert sa Institute of South East Asian Studies ng Singapore.

Idinagdag ni Bonnie Glaser, security expert sa Center for Strategic and International Studies sa Washington: “That’s the dirty little secret here ... the Chinese have pretended that it’s going to be easy to ignore and reject. I think in reality they will have to pay an international price for it.”

Humihiling ang Manila ng desisyon sa karapatan nitong pamahalaan ang mga tubig sa South China Sea sa loob ng kanyang 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) na ipinapahintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Para sa maraming diplomat, ang kaso ay susi upang tanggapin ng China ang international legal norms sa karagatan, na dinaraanan ng $5 trillion na kalakal sakay ng mga barko bawat taon.

Ilang bansa na ang humiling na obserbahan ang Hague proceedings, kabilang na ang mga claimants na Vietnam at Malaysia pati na rin ang Japan, Thailand, Singapore, Australia at United Kingdom.