SA paningin nang nagbabalik- pelikulang si Carlo J. Caparas, perfect para sa role na Angela Markado -- dating ginampanan ng multi-awarded actress na si Hilda Koronel -- ang Kapamilya star na si Andi Eigenmann sa remake ng Angela Markado na palabas na ngayon sa mga sinehan nationwide, produced ng Oro de Siete Productions, Inc. at released ng Viva Films.

Direk Carlo describes his leading lady’s acting as ‘powerful acting.’

“Watching the skill and intensity of Andi’s acting prowess, she did deliver the kind of Angela Markado in my imagination,” dagdag na sabi ni Direk Carlo. “A vengeful victim unmerciful and most brutal woman to invade the screen that will shock the audience and wrack their nerves.”

First time na magkasama sina Direk Carlo at Andi sa isang malaking proyekto. Kung abot-langit ang papuri ng direktor sa kahusayan at pagiging propesyonal na artista ni Andi, saludo naman ang aktres sa husay ni Direk Carlo sa pagmo-motivate sa kanya at sa iba pang mga artista na kasama niya sa pelikula.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Napakasarap mabigyan ng oportunidad na makatrabaho ang mga beteranong direktor katulad ni Direk Carlo. Na makakatrabaho ko pala siya na dati ko lang pinanonood ‘yung mga pelikula ng mom at dad ko (Jaclyn Jose at Mark Gil) na siya ang direktor.

“Na magkakaroon ako ng opportunity to work with him dito sa Angela Markado. It’s really such an honor to work with him at marami akong natutunan sa kanya,” papuri ng controversial actress sa kanyang director.

Kasama ni Andi sa Angela Markado sina Paolo Contis, Epi Quizon, Felix Roco, Polo Ravales and CJ Caparas (the five rapists/antagonists) plus Bembol Roco, Bret Jackson, Bugoy Cariño, Buboy Villar, Ana Roces, at Mika de la Cruz.

Binigyan naman ng introductory role si Zahra Bianca Saldua (2013 Miss World PH 2nd Princess), with the special participation ng PAO Chief Atty. Percida Rueda-Acosta at PETA actress Kayla Acosta. (LITO MAÑAGO)