Ford at Spielberg copy

NAIS gawin ni Steven Spielberg ang ikalimang Indiana Jones film bago tumuntong sa 80-anyos ang hero sa pelikula na si Harrison Ford.

Nagpahayag ng Hollywood legend sa French radio na RTL na nais niyang gumawa ng isa pang episode para sa fictional archaeologist na nagsimula 34 na taon na ang nakalilipas sa Raiders of the Lost Ark.

“I am hoping one day to make it to an Indiana Jones V. I would hope to make it before Harrison Ford is 80 and I get much older,” pahayag ni Spielberg, 68.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Si Ford, 73, ay nakaligtas mula sa pagbagsak ng kanyang vintage World War II trainer plane sa Santa Monica golf course noong Marso.

Sa kabila ng mga natamong sugat, ang beteranong actor, na sumikat sa kanyang pagganap bilang Han Solo sa unang pelikula ng Star Wars, ay napaulat na naka-recover na sa aksidente.

May mga lumalabas na espekulasyon na si Shia LaBeouf, gumaganap bilang sidekick ni Jones na si Mutt Williams sa huling swashbucklers, na Kingdom of the Crystal Skull noong 2008, ang hahalili sa aktor.

“After 40 years I don’t feel as experienced as people might assume,” ani Spielberg sa RTL. “I still feel I am learning and I am really excited by new projects.”

Ayon kay Spielberg, kasalukuyan niyang tinatapos ang screen version ng libro ni Roald Dahl na The Big Friendly Giant, na madalas tawagin na BFG, kasama ang British actor na si Mark Rylance, at ito ay mapapanood sa Hulyo.

Kasalukuyan din siyang abala sa science fiction story na Ready Player One, na halaw mula sa nobela ni Ernest Cline, na magiging bagong “big fat entertainment I hope”.

“I am a huge fan of Star Wars but I think it was never in my stars for me to direct one,” pahayag ni Spielberg. (AFP)