Hinimok ng isang kilalang political strategist ang mga Pilipino na maging aktibo sa kasalukuyang debate sa mahirap na tanong kung sino ba ang karapat-dapat para sumunod na pamunuan ang bansa sa susunod na anim na taon.

Siya ang independent na si Senator Sergio R. Osmeña III, campaign strategist ni noon ay Defense Secretary Fidel V. Ramos sa eleksiyon noong 1992, ni Sen. Benigno Simeon Aquino III noong 2010 presidential elections, at ng mga kandidatong senador ng administrasyon sa halalan noong 2013.

Aminado si Osmeña na mahirap bigyan ng rankings ang mga kandidato sa pagkapangulo sa susunod na taon: sina Vice President Jejomar C. Binay, Senators Grace Poe at Miriam Defensor Santiago, dating Interior Secretary Manuel “Mar” A. Roxas II, at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

“Para sa akin po, maganda ang mangyayari sa atin ngayon, because we’re still having free and open elections.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Kailangan pong sumali sa debate, kung sinu-sino ang mahusay, sinu-sinong nararapat na gawin nating pangulo for the next six years. Sapagkat napakaimportante po niyan para sa ating bansa,’’ ani Osmeña.

Nang tanungin sa radio forum ng DWIZ nitong Lunes kung bakit patok sa publiko si Duterte, sinabi ni Osmeña na kahanga-hanga ang pagdidisiplina ng alkalde sa Davao City sa nakalipas na 25 taon dahil sa matinding takot dito ng mga kriminal, bukod pa sa hindi kailanman naakusahan ng korupsiyon si Duterte.

Sinabing batay sa survey ay nahakot na ng alkalde ang 83 porsiyento ng Davao City, mga lalawigan ng Davao, at Compostela Valley, bukod pa sa 43% ng kalapit na Region 12, ipinaliwanag ni Osmeña kung bakit napakataas ng rating ni Duterte sa Metro Manila.

Aniya, ang pangunahing panuntunan sa pangangampanya “is forming an emotional bond with the voter.’’

“It’s emotional. It’s not rational. The voter must like you first before he is willing to vote for you. He must like you first before he even listens to you,” paliwanag ni Osmeña.

Tungkol naman kay Poe, sinabi ni Osmeña: “Grace has been doing very well and her projection to the public is very good. She has what is known as ‘may hatak sa puso, may kurot’.”

Sinabi pa ni Osmeña na ang mga akusasyon ng korupsiyon laban kay Binay ay isang “minus’’ para sa Bise Presidente, bagamat may political base na ang dating alkalde ng Makati City.

Kay Roxas, binanggit ni Osmeña na nakalimutan ng dating senador na “we started with no local (political) infrastructure and you do not need the local infrastructure.’’

“Sinasayang lang niya ang oras niya, trying to collect all of the congressmen, mayors and governors. ‘Yan ang pinakamagastos. You give P5 million to P10 million to the congressmen-candidates. Sa huli, wala ka ring magiging pakinabang.” (MARIO B. CASAYURAN)