SENATOR_GRACE_POE_DAGUPAN_CITY

Naniniwala ang election lawyer at dating chairman ng Commission on Elections (Comelec) na si Sixto Brillantes, Jr. na hindi maaaring diskuwalipikahin ng poll body ang presidential aspirant na si Senator Grace Poe, sa plano nitong pagtakbo sa 2016 polls.

Ayon kay Brillantes, wala namang hurisdiksyon ang Comelec sa pagdiskuwalipika ng mga kandidato, maliban na lang kung mayroong maling representasyon na makikita sa certificate of candidacy (CoC) ng partikular na kandidato.

Aniya, sa kaso ni Poe ay naging tapat naman ang senadora sa pagdedeklara ng mga nararapat na kuwalipikasyon sa CoC nito, sa kabila ng citizenship issue laban dito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naniniwala kasi, aniya, si Poe na isa siyang natural born Filipino citizen kahit siya ay isang foundling.

Matatandaang si Brillantes ay naging legal adviser ng adoptive father ni Poe, si Fernando Poe Jr..

(Mary Ann Santiago)