Hinatulan kahapon ng isang lokal na korte si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton kaugnay ng patay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude noong Oktubre 11, 2014.

Gayunman, ibinaba ni Judge Roline Jinez-Jabalde ang kasong murder laban kay Pemberton, 19, sa homicide dahil nabigo umano ang prosekusyon na patunayan na nagkaroon ng panloloko sa dalawa at ginamitan ng lakas ng sundalo ang Pinoy, na dalawa sa apat na elements ng murder.

Iginiit din ng korte na hindi pinlano ang pagpatay kay Laude.

Sa pagpaslang kay Laude, hinatulan ni Jabalde si Pemberton ng anim hanggang 12 taong pagkakakulong.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Pinagbabayad din si Pemberton ng P50,000 danyos sa pamilya ni Laude; P50,000 sa nawalang kita ni Laude; P155,250 sa ginastos sa burol at libing; P50,000 moral damages; at P30,000 exemplary damages. (Leonardo Postrado)