Ipamamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang karagdagang pondo na mahigit P200 milyon para sa mga naapektuhan ng kalamidad sa Region 2.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, naglaan na ng P200 milyon si DA Region 2 Executive Director Lucrecio R. Alviar, Jr. para sa mga biktima ng bagyong ‘Lando’ sa pamamagitan ng Philippine Rural Development Project (PRDP).

Dagdag pa ng kalihim, ipamamahagi ang pondo sa mga kooperatiba o sa samahan ng mga apektado ng kalamidad. sa pamamagitan ng Small Livelihood Project (SLP) na kanilang isinumite.

Kaugnay nito, hinimok ni Alviar ang mga interesadong grupo na agad na isumite ang kani-kanilang proposal at dalhin sa kanyang tanggapan para agad na maaksiyunan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Nakausap na namin ang mga lokal na pamahalaan sa buong rehiyon, partikular ang mga provincial and municipal agriculturists, Provincial Project Monitoring Implementing Unit (PPMIU) at civil society organization (CSO) tungkol sa ayuda,” saad ni Alviar.

Nabatid na ang mga rehistradong samahan ay makakukubra ng P1 milyon tulong na pinansiyal.

Habang ang mga rehistradong grupo ay nakapagbigay na sa katapusan ng Nobyembre para sa kanilang panukala sa agri-fishery.

Ayon pa kay Alviar, 60 porsiyento ng P1 milyon ay mula sa PRDP, habang ang 20 porsiyento ay babalikatin ng DA.

(Jun Fabon)