CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Pinatay ng isang lalaki ang kanyang maybahay bago siya nagbaril sa sarili sa isang liblib na barangay sa Pilar, Sorsogon, sa unang araw ng Disyembre.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang mag-asawang sina Loreta Loberio y Magdaraog, 57; at Alejandre Loberio y Marqueses, 55, kapwa taga-Barangay Bayawas, Pilar.

Batay sa paunang imbestigasyon, pinatay ni Alejandre ang kanyang maybahay kahapon ng madaling araw bago siya nagbaril sa sarili, na agad niyang ikinamatay.

Sinabi ni Calubaquib na inaalam pa ang motibo sa krimen, gayundin ang uri ng baril na ginamit ng suspek.

Probinsya

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Pilar Municipal Police, ayon kay Calubaquib. (Niño N. Luces)