DAHIL sa pagtaas ng suweldo, remittance mula sa mga manggagawa sa ibang bansa o sa pagnenegosyo, dumarami ang mga Pilipino na nakabibili ng sariling bahay.

Hindi lang ang presyo o gaan ng pagbabayad ang tinitingnan ng mga bumibili ng bahay.

Isa sa mga dahilan kung bakit sa kabila ng siksikan at problema sa trapiko ay patuloy na naaakit ang mga nasa lalawigan na manirahan sa Metro Manila ay dahil narito ang lahat ng mahahalagang serbisyo at institusyon.

Ayon sa Oxford Business Group (OBG), batay sa impormasyon ng World Health Organization (WHO), may kabuuang 1,800 ospital sa Pilipinas noong 2013, at 60 porsiyento nito ay pribado.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Batay naman sa National Demographic and Health Survey, sinabi ng OBG sa ulat na “Universal health care drives health sector growth in the Philippines,” na 44% ng mga pasyente noong 2013 ay nagpagamot sa mga pribadong pasilidad.

Sa mga nakaraang taon, karaniwan nang mga doktor ang nagtatayo ng sariling klinika, na malaon ay pinalalaki at nagiging ospital.

Sa iba’t ibang dahilan, ang ilan sa mga ospital na ito ay napupunta sa ibang grupo. Halimbawa, ang Manila Doctors sa Ermita ay itinayo ng isang grupo ng mga manggagamot noong 1956, ngunit nalipat sa Metrobank Foundation noong 1979.

Ang lalong nagpapasigla sa pagtatayo ng ospital bilang isang negosyo ay ang pagpasok ng malalaking kumpanya, gaya ng Vista Land & Lifescapes, na pangunahin sa larangan ng pabahay sa nakalipas na mahigit 30 dekada. Sa pakikipagtulungan sa UNIMED, ang Vitacare Health Group ng Vista Land ay magtatayo ng unang ospital sa Daang Hari sa South Metro.

Balak din nila na magtayo ng 10 ospital sa loob ng limang taon, na may kabuuang 3,000 kama at pamumuhunanan ng hindi bababa sa P8 bilyon.

Ang pangkat naman ng Ayala Land at Whiteknight Holdings ay planong gumugol ng mahigit P5B upang magtayo ng mga klinika at ospital sa ilalim ng tatak na Qualimed, sa loob ng limang taon.

Nagsimulang magtayo ng mga klinika ang grupo noong 2014, at balak simulan ang pagtatayo ng mga ospital sa Iloilo, Laguna, Bulacan at Bacolod sa susunod na dalawang taon.

Sa kasalukuyan, nangunguna sa pamumuhunan sa mga ospital si Manny V. Pangilinan, sa pamamagitan ng kanyang Metro Pacific Investments Corp. (MPIC).

Kamakailan ay nakipagkasundo ang MPIC sa Metrobank Foundation upang bilhin ang 20% ng Manila Medical Services, Inc., na may-ari ng Manila Doctors Hospital sa Maynila.

Gaya ng sinasabi sa isang probisyon ng RA 7875, na lumikha sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ang estado ang may pangunahing pananagutan upang magbigay ng komprehensibong serbisyo sa kalusugan ng lahat ng Pilipino.

(Durugtungan) (MANNY VILLAR)