NORA copy

PROUD ang GMA Network sa pagtanggap ni Nora Aunor sa Gusi Peace Prize for 2015 sa awarding rites na ginanap sa Philippine International Convention last week. Ang superstar lamang ang natatanging Pilipino na napabilang sa awardees ngayong taon.

Kaya masaya rin ang cast ng Little Nanay sa taping nila noong Monday. Nagpasalamat si Guy sa mga papuring tinatanggap niya at ng buong cast ng feel-good drama series.

Ang umeereng serye ay tungkol sa isang dalagang may intellectual disability, si Tinay (Kris Bernal) na 27 years old na pero sa 7 year-old ang pag-iisip. Nabuntis si Tinay pero iniwanan ni Archie (Hiro Peralta) kaya naiwanan sa pangangalaga ng kanyang Loley Annie (Nora) at Loloy Berting (Bembol Roco).

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nakakatuwa ang kuwento ni Nora sa eksena ng pagsisilang ni Tinay na nasa kalye sila at sa loob ng jeep dahil natrapik sila.

“Siyempre, kahit papaano nag-panic kaming lahat sa eksena, kasama namin ni Bembol sina Mark (Herras) at Juancho (Trivino),” natatawang kuwento ni Nora. “Kailangan tiyak din namin ang kilos dahil may bagong silang na bata at hindi dapat masaktan ito, plus inaasikaso pa namin ang apo naming si Tinay na hindi alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Salamat kay Direk Ricky (Davao) na gumabay sa amin sa naturang eksena.”

After Marimar napapanood gabi-gabi ang Little Nanay na kumukurot sa puso ng mga manonood lalo na sa eksenang pinipilit ni Tinay na maalagaan ang kanyang anak na ayaw niyang masaktan, kahit siya ang nasasaktan tulad nang pagbi-breast feed niya na tiniis niya para lamang makakain ang baby niya. 

Mapapanood na rin ang paglaki ng baby niya na gagampanan ng mahusay na batang aktres, si Chlaue Malayao.

(NORA CALDERON)