BERLIN (AP) – Inaprubahan ng German Cabinet noong Martes ang mga plano na ipangako ang 1,200 sundalo para suportahan ang international coalition na lumalaban sa grupong Islamic State sa Syria.
Kasunod ng Paris attacks, pumayag si Chancellor Angela Merkel na pagbigyan ang kahilingan ng France na suportahan ang operasyon nito laban sa IS sa Syria.
Binabalak ng Germany na magpadala ng anim na Tornado reconnaissance planes, tanker aircraft at frigate upang tumulong na protektahan ang French aircraft carrier na Charles de Gaulle sa eastern Mediterranean, ngunit hindi aktibong sasabak sa labanan.