Nonito Donaire, Vic Darchinyan

Ang dating world champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire ay nakahanda na para sa December 11 super bantamweight showdown kontra kay Mexican Cesar Juarez sa Puerto Rico.

At inihayag ng ama ni Nonito na si Dodong Donaire sa BoxingScene. com, na ang kanyang anak ay “bumalik na.”

“He’s a lot better now. The way he boxes, the way he thinks…. Now he lands his punches very accurately,” sabi ng nakatatandang. Donaire.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Kumagat si Donaire sa laban nila ni Juarez sa two-match streak, matapos nitong matalo sina William Pardo noong Marso at Anthony Settoul noong Hulyo.

Malaki ang tiwala ng kanyang ama na magiging impresibo si “The Filipino Flash” sa paglaban nito kay Juarez.

“(Nonito) trained very hard for this fight, and was not like the old Nonito,” ayon kay Dodong. “He’s a much better boxer, a thinker, and the power is there.”

“Nonito did what he wants to do in the ring, and looks very good,” dagdag pa nito. “The guys give him a lot of work and keep pressure him, and even if he hurts them, they keep on coming.”

“If Nonito feels that he hurt them, he slows down a little bit.”

Si Donaire ay nakatakdang lumaban sa kabuuang 10 round sa Martes at Huwebes, at ito ay aalis pa patungong Puerto Rico sa Biyernes.

Ang 24-anyos na si Juarez ay mayroon ng naitalang 17-3 panalo-talong rekord at nanalo ito sa kanyang apat na huling laban, kabilang na ang decision victory laban kay Juan Carlos Sanchez Jr., noong Hulyo kung saan nakamit niya ang WBO international super bantamweight title. (Abs-Cbn Sports)