Tinanggal ng Food and Drug Administration (FDA) sa merkado ang depektibong batch ng isang anti-obesity drug matapos matuklasang hindi nito taglay ang mga kinakailangang sangkap sa pagbabawas ng timbang.

Sa FDA Advisory No. 2015-086, nagpalabas si FDA acting director general at Health Secretary Janette Garin ng product recall order laban sa Orlistat (Reducin) 120 mg capsule, na may batch number at expiry date na RD-TTI/August 2016, dahil wala itong Active Pharmaceutical Ingredient (API), ang Orlistat.

Babala ni Garin, may nakaambang panganib sa kalusugan ang pag-inom ng nasabing depektibong gamot.

Ang Orlistat ay gamot laban sa obesity sa pamamagitan ng pagpigil sa katawan na mag-absorb ng taba.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

(Samuel Medenilla)