“HINDI mahal ng kamera si _____ dahil maski saang anggulo mo silipin, waley talaga,” sabi ng direktor na nakatsikahan namin noong isang araw tungkol sa premyadong actor (PA) na aktibo naman sa acting career.
Personally, gusto namin ang PA, Bossing DMB dahil mabait, magalang at palabati kahit saan kami makita. Sinasabi rin ng mga nakakatrabaho niya na down-to-earth siya.
“Hindi naman puwedeng puro kabaitan, Reggee, need din ng face value,” sabi naman ng executive na kakuwentuhan namin ng direktor.
Mukhang tanggap naman daw ng PA na hanggang support na lang siya, dahil nga hindi naman siya kaguwapuhan.
Ang hindi raw makatanggap na hanggang support lang si PA na ikinawiwindang ng executive at director ay, “’Yung manager, may feeling kasi, akala niya porke’t mahusay umarte at marami nang awards, puwede nang magdala ng pelikula. Hindi na uso ‘yun ngayon. Noong araw, puwede at saka sa mga atsutsutsu na project kung saan siya (PA) nanggaling. Actually, mahirap kausap ‘yung manager kasi ipipilit niya talaga ang gusto niya.
“’Tapos kapag hindi napagbigyan, bumilang ka ng ilang araw o sabihin mo ng isang buwan, may mababasa ka nang mga bira o blind items tungkol sa mga kasama ng alaga niya sa show.”
Napangiti lang kami dahil tumpak lahat ang sinabi ng mga kausap namin, as in. In fairness, hindi halatang galing sa manager ng premyadong aktor ang mga isyu.
Isa pang nalaman namin ay may mga kinikimkim palang sama ng loob ang PA na hindi lang niya mailabas dahil career niya ang nakataya, bunga na rin ng pananakot daw sa kanya ng manager.
Actually, may narinig na rin kaming nagkuwento tungkol dito na noong una ay dedma kami, kasi ang alam namin ay concerned ang manager kay PA kapag ayaw magtrabaho dahil sa personal nitong problema kaya naboboldyak.
“Yun din ang alam ng lahat,” sabi ng mga kausap namin. (REGGE BONOAN)