PSL_Cuneta_04_KevinDelaCruz_113015 copy

Laro sa Sabado

(Cuneta Astrodome)

1 pm Petron vs Foton

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Halos abot-kamay ng Foton Tornadoes ang sarili nitong kasaysayan subalit hindi ito pinayagan ng nagtatanggol na kampeong Petron noong Lunes ng gabi sa pag-uwi ng apat na set na panalo, 25-13, 25-21, 23-25 at 26-24 tungo sa matira-matibay na Game 3 at titulo ng 2015 Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix sa Sabado.

Abante ng tatlong puntos sa ikaapat na set, 23-20, hindi nagawa ng Tornadoes na itulak sa matira-matibay na labanan sa ikalimang set ang Game 2 matapos matapos nitong sunud-sunod na hatawin palabas ang bola sa krusyal na ikaapat na set upang mabitawan ang pinakamagandang pagkakataon na maiuwi nito ang pinakaaasam na unang korona.

Nakatutok na ang Tornadoes sa ikalimang set subalit bumalikwas ang Blaze Spikers sa pamumuno ni Brazil import Rupia Inck upang itabla ang laban sa 24-24 bago nablangka ni Dindin Manabat ang import na si Lindsay Stalzer at napalo ni Katie Messing palabas ang bola.

“Hinding-hindi namin palalampasin ang huling tsansa namin,” sabi ni Petron coach George Pascua, na asam maitala ang tatlong sunod niyang korona sapul na hawakan ang Blaze Spikers at mapantayan ang rekord sa liga na unang itinala ng Philippine Army.

Nagtala si Inck ng kabuuang 25-puntos upang pamunuan ang Blaze Spikers sa nakakarinding laban na kinakitaan ‘di lamang ng malalim na talento at abilidad kundi pati na rin ang paghihirap at sakripisyo upang maipanalo ang laban tungo sa pag-uwi ng tig-isang panalo sa kampeonato.

Ginamit ng husto ng dalawang koponan ang makabagong teknolohiya sa volleyball na video challenge upang makita ang ilang krusyal na yugto at kaganapan na mahirap makita at mahatulan mismo ng mga namamahalang opisyales.

Nagtala si Dindin Manabat at Aby Marano ng tig-16 puntos para sa Blaze Spikers na sinandigan din ang mahirap na trabaho ni Jen Reyes na nagtala ng 25 digs.

Pinamunuan ni Stalzer ang Tornadoes sa kabuuang 23-puntos habang si Messing ay may 11.

Isasagawa ang matira-matibay na Game 3 sa Sabado ganap na 1:00 ng hapon. (ANGIE OREDO)