Inilunsad ng World Bank (WB) nitong Lunes ang isang $500-million market-based scheme upang mabayaran ang mga bansang nakatulong para mabawasan ang carbon emissions laban sa climate change.

Nangako ang Germany, Norway, Sweden at Switzerland na magkakaloob ng paunang $250 million upang masimulan na ang tinatawag na Transformative Carbon Asset Facility (TCAF) sa susunod na taon, habang umaasa ang WB na madadagdagan ang mga kontribusyon hanggang sa umabot sa target na $500 million.

Ang scheme, na magbibigay ng pabuya sa mga bansang nakapagbawas ng emission sa pagbabayad ng partikular na halaga para sa bawat tonelada ng nababawas na carbon dioxide (CO2), ay inilunsad sa Paris isang araw matapos na magtipun-tipon sa kabisera ng France ang matataas na opisyal mula sa 200 bansa para sa dalawang-linggong pulong na layuning makabuo ng isang pandaigdigang kasunduan upang mabawasan ang greenhouse gas emissions.

Ayon sa WB, ang presyo ng kada tonelada ay itatakda nang case-by-case basis at sinabing susuportahan ng scheme ang kasapatan sa enerhiya, renewable energy, at waste management projects, gayundin ang mga paraan upang mabawasan ang emissions sa mga siyudad at mula sa sektor ng transportasyon. (Reuters)

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya