Naiuwi ng Pinoy karate kid na si KZ Santiago ang tatlong medalya mula sa pagsali nito sa Karate tournament na ginanap kamakailan sa Turkey.

Ang tatlong gold medal na nasungkit ni Santiago ay mula sa individual Under-21 event.

Samantala, nakuha rin nito ang bronze medal sa 50kg kumite.

Gayundin ang national head coach na si Ali Parvinfar ay nakuha din sa committee masters at nakapag-uwi ng dalawang gintong medalya sa kumite master division one.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Mae Soriano ay nakamit din ang nag-iisang silver medal ng Team Philippines habang si Michelle Villamayor ay nanalo ng bronze medals sa kata at kumite-68kg division.

Ang mga sumali rin sa kumpetisyon na sina Elvin John Vergavera, John Paul Bejar, Eugene Dagohoy, Ram Macaalay, Carmelo Patricio Jr. at Rexor Romaquin ay nanalo rin ng bronze sa team male event ng torneo. (Bombo Radyo)