Iniutos na ni National Food Authority (NFA) Administrator Renan Dalisay ang imbestigasyon sa saku-sakong bigas na itinapon sa Barangay Macaalang, Dagami, Leyte.

Sinabi ni Dalisay na nagpalabas na siya ng direktiba sa NFA-Eastern Visayas upang pangunahan ang pagsisiyasat sa usapin.

Ang hakbang ng NFA ay bilang tugon sa pagkakadiskubre ng isang residente sa saku-sakong bigas na ibinaon umano sa isang malalim na hukay sa liblib na bahagi ng Bgy. Macaalang.

Naiulat na may tatak pa umano ng NFA at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga sako.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabilang sa aalamin sa imbestigasyon kung bahagi ng relief goods para sa mga nasalanta ng super typhoon ‘Yolanda’ ang nasabing mga bigas, ang kabuuang halaga nito, at ang dahilan ng pagkabulok ng mga ito. (Rommel P. Tabbad)