marie jazmine copy

ALL roads led to Kia Theater nitong nakaraang Sabado ng gabi para sa The Milby Way 10th Anniversary concert ni Sam Milby.

As early as 5 PM, marami nang naghihintay sa paligid ng venue pero dahil sarado pa ang teatro ay matiyagang naghintay sa katabing restaurants ang mga manonood.

Nagkatrapik-trapik sa Araneta Center dahil paikut-ikot ang mga sasakyan na wala nang maparadahan dahil punuan lahat ang parking dahil nasabay daw sa UAAP.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Eksaktong 7 PM nagpapasok ang teatro, 8:30 PM naman nagsimula ang show.

Kinse minutos bago nag-umpisa, dumating ang mystery girl ni Sam na si Mari Jasmine kasama ang dalawang kaibigan at dumiretso sa kuhaan ng tickets.

Palibhasa’y commercial at print ad model, marami ang nakakakilala kay Maria Jazmine. Marami ang bumati at kumausap sa kanya habang nakapuwesto siya sa standee ng The Milby Way kaya marami rin ang kumuha ng litrato kasama na kami, he-he-he.

Nagkaisa ang lahat sa pagsasabi na napaka-pretty ng mystery girl ni Sam Milby na hanggang ngayon ay walang inaamin at dedma sa speculations.

Ang sabi niya sa panayam ng online reporters, “Ayoko pa. It’s too early. The things that been coming out, they’re all assumptions, kasi walang galing sa akin.”

At kahit na anong kulit ng mga katoto, “It’s still early. I still don’t wanna talk about it.”

Hindi na rin kami nangulit sa singer/actor pero binati namin siya through text message sa successful na 10th year anniversary concert niya.

Kaya siguro nasabi ni Sam na masyado pang maaga para pag-usapan ang special girl sa buhay niya ay dahil baka hindi siya sinasagot ng dalaga.

Pero aliw na aliw ang tao kay Sam dahil pagkatapos ng production number nila ng ex-girlfriend niyang si Anne Curtis sa awiting Hello ni Adele at Hello ni Lionel Ritchie ay panay ang explain niya na magkaibigan na lang sila ng TV host/actress at huwag na raw lagyan ng malisya ang yakapan nila.

Very meaningful ang pagpapakilala ni Sam kay Anne bago sila kumanta, “My 10 years wouldn’t be complete without her.”

Ang sagot naman ni Anne, “I’m so proud! Happy 10th anniversary! I’m happy that somehow I was part of those ten years.”

Ang daming naghiyawan nang magsama sa entablado sina Sam at Anne at sabi ng mga katabi namin, “Sana sila na lang ulit” na parang linya ni Basha kay Popoy na, ‘ako na lang ulit’ sa One More Chance.

Sabi pa ng supporters nina Sam at Anne, “wala na bang A Second Chance?”

Pero biglang nanahimik ulit ang naghihiyawang supporters ni Sam dahil siguro naalala nilang nasa audience ang bagong inspirasyon ng singer/actor. (REGGEE BONOAN)