NAPANOOD namin ang trailer ng Beauty and The Bestie at tawa kami nang tawa sa sagutan nina Vice Ganda at Coco Martin. Tiyak na papatok ito sa fans nilang dalawa.

Kasusulat lang namin na marunong talagang mag-comedy si Coco base na rin sa mga pelikulang nagawa niya, at kahit mas nakilala sa drama ay kaya rin niyang magpatawa.

Ang kakaiba kay Coco, seryoso o deadpan ang humor niya. Nakakatawa siya kahit hindi komedya ang style niya, kaya hindi hard sell.

Tulad ng sagutan nila ni Vice na kunwari ay may pinakikinggan sila sa kabilang dingding at nang tanungin ng komedyante kung ano ang naririnig ni Coco ay sinabi niyang, “Tibok ng puso ng isang baklang manyakis” na ikinaloka naman ng una.

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

Matagal nang magkaibigan sina Vice at Coco, wala pa sila sa showbiz noon pero ngayon lang sila nagkasama sa pelikula. Ngayon lang nila binigyan ng oras ang offer sa kanila, dahil alam namin na noon pa sila inalok na magsama sa pelikula.

Balita namin, sa lahat ng pelikula ni Vice na idinirek ni Wenn Deramas ay itong Beauty and The Bestie ang pinakanakakatawa.

Ibig sabihin, maganda ang tandem nina Vice at Coco, isang komedyante at isang seroyosong aktor.

Naaliw din kami sa eksenang nagpapakuha ng ID picture si James Reid (sabay tanggal ng butones ng polo) kay Nadine Lustre na ikinanginig naman nito. Aliw din ang tanong ni Marco Masa kay Alonzo Muhlach na, “ID picture lang ‘yan?”

Hindi kailangang sabihin, tiyak na kikita ang Beauty and The Bestie, dahil tuwing Metro Manila Film Festival ay hawak nina Vice at Direk Wenn ang record sa takilya. (REGGEE BONOAN)