BEIJING (AP) – Inatasan kahapon ang mga eskuwelahan sa Beijing na panatilihin sa loob ng mga silid-aralan ang mga estudyante kasunod ng record-breaking na polusyon sa hangin sa kabisera ng China, na humigit na nang 35 beses sa ligtas na antas.
Ang paglubha ng polusyon ay isang paalala sa tumitinding problemang pangkalikasan ng China, habang nakikiisa si President Xi Jinping sa iba pang world leaders sa climate conference sa Paris ngayong linggo.
Sinabihan din ang mga pabrika at mga construction site na magbawas ng trabaho makaraang ipalabas nitong Linggo ng pamahalaang lungsod ang una nitong orange alert — ang ikalawang pinakamataas sa apat na warning levels — sa halos dalawang taon.
Nitong Lunes, , ang concentrations dumi sa hangin ay umabot na sa 900 micrograms per cubic meter sa katimugang Beijing. Ang mga duming gaya nito ay nakapipinsala sa tissue ng baga. Nasa 25 micrograms per cubic meter lang ang inirerekomendang pinakamataas ng World Health Organization (WHO).