LABINLIMANG natatanging guro sa elementary high school, pamantasan at technical at vocational school sa Rizal ang pinarangalan sa 22nd Guronasyon 2015 Awards noong Nobyembre 27.Ginanap ito sa Casimiro A.Ynares Sr. Auditorium sa Binangonan, Rizal. Ang tema ng parangal ay “Guronasyon 2015: Celebrating the Glorious Year of Leadership in Education”.

Nagbigay ng bating pagtanggap si Binangonan Mayor Boyet Ynares at bumati rin si Rizal Gov. Rebecca “Nini” Ynares Ang mga awardee ay ipinakilala ni Dr. Erlinda C. Pefianco, chairperson ng Awards 2015.

Pinarangalan ang mga sumusunod: Outstanding Elementary School Teachers sina Mrs. Dulce D. Lasconia, ng Bagong Nayon ES, Antipolo; Irene Domingo, ng Mayamot ES ng Antipolo; at Ms. Rosalinda de Guzman, ng Camp Mateo Capinpin ES, Tanay. Outstanding Secondary School Teacher naman si Mr. Jeffrey C. Erni, ng Sampaloc National High School sa Tanay.

Outstanding Elementary School Principals sina Mrs. Wilma R. Doctor, ng Lores ES Antipolo; at Ms. Marilou A. Mondoy, ng San Vicente Elementary School, sa Angono. Ang mga Outstanding Secondary School Principals ay sina Mr. Michael T.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Tayona, ng Maximo Gatlabayan Municipal National High School, sa Antipolo; at Mrs. Cleotilde DR. Mosqueda, ng Pililla National High School. Outstanding Educators for Action Research sina Ms. Karheena Adriano, ng Mamuyao Elementary School sa Tanay; at Mr. Eduardo Supangan, ng San Jose National High School sa Antipolo.

Most Outstanding College Faculty si Dr. Fe Esperanza T. Mateo, ng University of Rizal System (URS) Tanay Campus.

Most Outstanding Educator for Research Services si Prof. Niclie L.Tiratira, ng University of Rizal System (URS)-Morong. Most Outstanding Tekbok Administrator si Benito Roger L. De Joya, ng TESDA; at Most Outstanding Tekbok Trainer si Madonna V. Vitaliano , ng TESDA.

Ang mga awardee ay tumanggap ng tig-P30,000, Plaque of Recognition at Guronasyon statuette. Ang mga gantimpala ay iniabot nina dating Rizal Rep. at Guronasyon Foundation, Inc. President Michael John R. Duavit, Antipolo City Mayor Jun Ynares, at ng mga alkalde ng mga awardee tulad, gaya nina Tanay Mayor Lito Tanjuatco at Pililla Mayor Leandro Masikip. (CLEMEN BAUTISTA)