HINDI na pala si Becky Aguila ang manager ni Valerie Concepcion, si Arnold Vegafria na ang tumutulong sa pagpapalakad sa career niya.

Two months pa lang si Valerie under ALV’s Entertainment at  nabigyan agad ng project dahil kasama siya sa cast ng Because of You.

Bukod sa magandang project, maganda rin ang role ni Valerie as the wife of Gabby Concepcion na nang-iwan dito at pumatol sa ibang lalaki. Kontrabida at landi-landian daw ang role niyang si Veronica Salcedo.

Nang magtapos ang kontrata ni Valerie kay Becky, hindi na siya nag-renew at verbal na lang ang kontrata nila. Gusto na niyang talikuran ang showbiz at nag-apply siyang flight attendant. Hindi siya natanggap dahil sa tattoo sa kanyang wrist, ipinatatanggal niya ang tattoo nang dumating ang Because of You.

Musika at Kanta

Jose Mari Chan, naiyak sa duet nila ni Regine Velasquez: 'I was afraid'

On hold muna ang dream ni Valerie na maging FA habang nasa Because of You siya. Last try na niya ito at ‘pag nag-boom uli ang career niya, kalilimutan muna niya ang dream niyang maging FA.

Samantala, hindi problema kay Valerie na older, annulled at may mga anak ang nali-link sa kanya ngayon. Hindi rin daw totoong ayaw sa kanya ng lalaki na “Immigration” ang tawag niya dahil sa Bureau of Immigration ito nagtatrabaho. —Nitz Miralles