Pumanaw na si Federico Escaler, ang unang obispo ng Kidapawan, sa edad na 93.

Ayon sa CBCP News post, payapang pumanaw ang may sakit na Jesuit priest sa bahay ng pamilya nito sa San Miguel sa Maynila nitong Sabado.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Jesuits na nakitaan ng bukol sa atay ang pari ilang buwan na ang nakalilipas, ngunit tumanggi itong magpagamot.

Isinilang sa Maynila at naordinahan bilang pari noong 1954 sa New York City, si Bishop Escaler ang unang obispo ng Kidapawan mula 1976 hanggang 1980 hanggang sa maitalaga siya para pamunuan ang bagong tatag na Prelature sa Ipil, Zamboanga Sibugay, na roon siya nanatili nang 17 taon hanggang magretiro noong 1997.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakaburol siya sa Loyola House of Studies main chapel ng Ateneo de Manila University sa Quezon City, at ililibing matapos ang misa bukas, Disyembre 1, 8:00 ng umaga, sa Church of the Gesu sa Ateneo. - Leslie Ann G. Aquino