MOSCOW (Reuters) – Nilagdaan nitong Sabado ni President Vladimir Putin ang isang dekrito na nagpapataw ng iba’t ibang economic sanctions laban sa Turkey, nagbibigay-diin sa tindi ng galit ng Kremlin sa Ankara apat na araw makaraang pabagsakin ng Turkey ang isang Russian warplane.
Sa dekrito, na agad na magiging epektibo, ipagbabawal ang mga charter flight mula sa Russia patungong Turkey, hindi maaaring magdaos ng holidays ang mga tour firm sa bansa, may ban din sa hindi tinukoy na Turkish imports, at pipigilan ang lahat ng aktibidad na pang-ekonomiya ng mga kumpanya at mamamayang Turkish.