Mahigpit na ipinatutupad ngayon ng pulisya ang security plan sa Boracay Island sa Malay, Aklan bilang paghahanda sa anumang banta sa isla, ilang linggo matapos ang terror attack sa Paris, France.

Ayon kay Chief Supt. Bernardo Diaz, director ng Police Regional Office (PRO)-6, nagpulong ang Philippine Navy, Maritime Police, Philippine Coast Guard, at Boracay Action Group kaugnay ng pagpapaigting ng seguridad sa isla, na sikat sa buong mundo at dinadayo ng milyun-milyong turista.

Nagbabala rin ang awtoridad sa pagpapatupad ng one-entry-one-exit policy ng pamahalaang panglalawigan sa dumadaong na maliliit na bangka mula sa Hambil at Carabao Island sa Romblon, gayundin sa nagsasagawa ng island hopping activities.

Sa kasalukuyan, buhos na ang mga tour operator sa Boracay bitbit ang grupo-grupo ng mga turista mula sa Amerika, Malaysia, India, Nepal, Hong Kong, at Middle East.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa huling tala, umabot na sa 1.4 milyon ang tourist arrival sa isla simula nitong Enero. (Fer Taboy)