Matapos ang kanilang natamong pagkatalo noong Game Two, hindi iniisip ni Far Eastern University (FEU) coach Nash Racela na mauulit na naman ang bangungot na naganap sa kanila noong nakaraang taon kontra National University(NU).

Nabalik ang tropa ni Racela sa parehas na sitwasyon matapos maipanalo ang Game One ng kanilang best-of-3 finals series kontra Tigers at mabigo sa sumunod na laro.

Ganito rin ang nangyari sa kanila noong nakaraang taon kontra Bulldogs kung saan natalo nila ang mga ito sa unang laro bago sila winalis sa huling dalawa kaya napunta sa NU ang kampeonato.

Ayon kay Racela, malaki ang pagkakaiba noong isang tao at ang sitwasyon ngayon dahil natuto na sila ng nakaraang taon kaya hindi sila nagdiwang ng maaga.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Isa sa nakikitang dahilan ng ikinatalo nila sa UST bukod sa pagputok ni Kevin Ferrer sa third quarter ay ang naging pananahimik ni Mike Tolomia sa kabuuan ng Game Two kung saan wala itong naibuslo sa kanyang 15 attempt at nakakuha lamang ng puntos mula sa mga freethrow.

Ng tanungin tungkol dito, sinabi ni Rcaela na hindi ito bumabagabag sa kanya dahil naniniwala siyang kayang bumalik at bumawi ni Tolomia bilang isang beteranong manlalaro.

“Not a concern. These are veterans, so I’m sure they can comeback strong next time,” pahayag ni Racela.

“He took shots, and he didn’t make it. Actually isa lang ang na-shoot dun, it’s a different game all together. Kailangan mo ng taong titira,” dagdag pa ni Racela.” I think kung hindi rin naman mag-gamble si Kevin Ferrer, hindi rin sya puputok.” - Marivic Awitan