TARLAC CITY - Malawakang power interruption ang mararanasan sa ilang bahagi ng Pampanga bukas, Disyembre 1, na aabot ng 12 oras.

Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, maaapektuhan ng 12-oras na brownout ang ilang lugar sa mga bayan ng Mexico at Arayat; Pandacaque at San Nicolas; Magalang, Mabalacat at Clark Freeport Zone.

Ayon kay Vidal, kinakailangan ang power interruption upang mapabilis ang taunang preventive maintenance ng power equipment sa Mexico Substation, at paglilipat ng PELCO II-Mabiga load kasabay ng line maintenance works sa Mexico-Clark 69kV lines 1 at 2. (Leandro Alborote)

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu