Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang baybaying bahagi ng Sarangani sa Davao Occidental, dakong 9:51 ng umaga kahapon.

Ayon sa ulat ni Renato Solidum, director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol may 194 na kilometro sa timog-silangang baybayin ng Sarangani.

Ang lindol ay may lalim na 27 kilometro at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang pinsala at wala ring nasaktan sa lindol, na hindi rin inaasahang magkakaroon ng aftershocks. - Jun Fabon
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!