Ang isang manlalaro ng PLDT Home Ultera kalaban ang Philippine Army sa ginanap na Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.
Ang isang manlalaro ng PLDT Home Ultera kalaban ang Philippine Army sa ginanap na Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Mga laro sa Linggo-Disyembre 6 San Juan Arena

12:45 p.m. – Navy vs UP (for third)

3 p.m. – Home Ultera vs Army (for crown)

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

5 p.m. – Air Force vs Cignal (Spikers’ Turf final)

Ni Marivic Awitan

Nabura ang naitala nilang unang tatlong match points ngunit nakuhang bumalikwas ng PLDT Home Ultera matapos maiwan ng isa sa decider set para maitala ang 16-25, 20-25, 26-24, 29-27, 18-16 panalo kontra Army noong nakaraang Linggo ng hapon at makalapit sa target na pag-angkin ng titulo ng Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Tila nag-relax ang Ultra Fast Hitters matapos lumamang sa iskor na 14-11 sa fifth set at nasapawan ng Lady Troopers makaraang magtala ng isang net violation, na nasundan ng dalawang beses na pagka-block bago nasingitan ng dalawang attack points at nakasingit lamang para pumuntos sa error pa ng kabila ng magkamali ng service si Honey Royse Tubino para mapunta sa Army ang kalamangan 16-15.

Ngunit sa huli, nagpakita sila ng higit na katatagan sa harap ng matinding pressure at napuwersa ang Army sa isang net violation na nagpatabla sa laban sa 16-all, bago tuluyang naselyuhan ang kanilang tagumpay ng isang outside hit ni Joanne Bunag.

Nauna rito, binura ng Ultra Fast Hitters ang 2-1 bentahe sa set ng Army gayundin ang naitala nitong 21-16 kalamangan sa fouth frame para makapuwersa ng decider set.

Kailangan na lamang ng PLDT na maipanalo ang kanilang susunod na laro sa darating na Linggo upang makamit ang titulo, ang ikatlong sunod para sa kanilang headcoach na si Roger Gorayeb.

Pinangunahan ni Valdez na naglaro para sa unang pagkakataon sa kanyang koponan matapos ma-miss ang eliminations at semifinals sanhi ng injury sa kanyang itinalang 25-puntos na kinabibilangan ng 22 hits.

Nag-ambag naman ang mga kakamping sina Gretchel Soltones at Aiza Maizo Pontillas ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“She’s an integral part of this team and she showed it in this game,” ani Gorayeb na tinutukoy si Valdez.

Nagtala naman ang kanilang mga import na sina Victoria Hurtt at Sareea Freeman ng 8 at 5 puntos sa loob ng tatlong sets na pinalaro sila ni Gorayeb.

“We’re still have a hard time adjusting with our imports and vice versa,” ayon pa kay Gorayeb. “But the good thing was the locals stepped us.”

Ang kabiguan ang unang pagkatalong nalasap ng Army sa Conference matapos mawalis ang kanilang mga laro sa eliminations hanggang semifinals ng ligang ito na inihahatid ng PLDT Home Ultera sa tulong ng Mikasa at Accel.

Namuno para sa Army si dating league MVP Jovelyn Gonzaga na may 19- puntos kasunod sina Tubino at Aby Maraño na mayroong 16 at 15 puntos ayon sa pagkakasunod.