LeBron James
LeBron James

Umiskor si LeBron James ng kabuuang 26-puntos kabilang ang pampanalong “running hook shot” sa pinakahuling segundo ng laro upang itulak ang Cleveland Cavaliers sa maigting na 90-88 panalo kontra Brooklyn Nets sa regular season ng NBA.

Nagdagdag ang apat na beses naging MVP na si Lebron ng 9 na rebound at 5 assist upang itulak ang Cleveland sa kabuuang 13-4 panalo-talong kartada at manatiling hindi nabibigo sa kanilang homecourt sa siyam na laban.

‘’Obviously, I want the ball in my hands down the stretch,’’ sabi nito sa NBA website. ‘’I feel like I can make something happen for not only myself but for our team. I’m happy I was able to come through for us.’’

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Itinabla muna ni Joe Johnson ng Nets ang laro sa kanyang tatlong foul shots, may 15.2 segundo sa laban.

Matapos ang timeout ay kinuha ni Lebron ang inbounds pass bago nagtungo sa ibabaw ng free-throw lane at saka isinagawa ang hook shot sa harapan mismo ng 7-foot center ng Nets na si Brook Lopez.

‘’I got to my spot where I wanted to,’’ sabi ni Lebron. ‘’I work on those shots. I work on my game a lot. Actually, sometimes it’s a little easier when you get someone bigger because you have to get it over the top of them and you just float it right over the top of them.’’

Ikinuwento pa ni Lebron na unang pagkakataon na nagawa nito ang game-winner na isang hook shot.

‘’I’ve made layups, I’ve made pull-ups, obviously I’ve made step-back jumpers,’’ sabi nito. ‘’I might go for the sky hook next time.’’

Umiskor din si Kevin Love ng 26-puntos para sa Cleveland.